Mga Tips para Makakuha ng Maraming Likes sa Facebook

Facebook

“Pa like naman….”

Mula nang sumikat ang Facebook, naging necessary na sa mga users nito ang makakuha ng maraming likes. Sinasabi kasing ang mga likes na natatanggap mo ay nagmimistulang popularity rating mo sa virtual world ng Facebook. Mas maraming likes mean mas marami kang tagahanga. Mas maraming likes mean mas maraming nakakarelate sa status mo. Pero, hindi lang natatapos dito ang mga dahilan ng pagkakaroon ng maraming likes sa Facebook.

Ano-ano nga ba ang mga tips para makakakuha ng maraming likes sa Facebook?:

  1. Una sa lahat ay ang katangiang pisikal. Mas maraming likes ang mga gwapo’t magaganda kesa sa average na hitsura ng isang tao. Average means hindi gaanong maganda o gwapo.
  2. Kailangan sikat ka, pero hindi naman ‘yung tipong artista ka. Sikat in a way na kilala ka ng lahat na parang si Harry Potter nung una siyang pumasok sa Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry.
  3. Kailangan kalog ka. Mas lapitin ng likes kasi ang mga nakakatawang posts.
  4. Kailangan based on true events ang posts mo. Mas marami kasing nakakarelate dito kesa sa mga posts na obvious na imbento lamang.
  5. Nakakatulong ang mga may organization o group affiliation sa pag-obtain ng maraming likes. Bakit? Dahil kahit anong ipost mo, sa di sinasinasadayang pagkakataon ay ila-like nila ito. Ito kasi ang kanilang way ng pagsuporta.
  6. Mas maraming likes ang God-related posts, lalo na ang mga bible verses.
  7. Mas maraming likes ang love-related posts lalo na about relationship, anger o hatred.
  8. Mas maraming likes ang mga easy-to-understand posts o ‘yung madaling intindihin ng lahat.
  9. Mas maraming likes ang mga posts na may news content.
  10. Kung estudyante ka naman, mas maraming likes ang makukuha mo kung about school stuff ang ipopost mo tulad ng: “Sh*t ‘di pa ko nagrereview.” o ‘di kaya, “Naku, bagsak ako!” For sure, maraming likes ang makukuha mo mula sa mga kapwa estudyante o klasmeyt mong FB friend din.
  11. Kung may boyfriend o girlfriend ka naman at friend mo rin s’ya sa FB, mas maraming likes ang mga post na nagpapakita ng “public display of affection” (PDA) n’yo sa isa’t-isa. Halimbawa: “Miss na miss kita, [tag boy/girlfriend’s name]. Love you.”
  12. Mas maraming magla-like sa post mo kong marami kang close friends sa FB.
  13. Kung ikaw ay socialite tulad nina Tim Yap o Paris Hilton, paniguradong sandamakmak na likes ang matatanggap mo.

Likes sa mga Facebook photos / Cover photos:

  1. Tips #1, 2, 5, 13 above apply. Kahit anong litrato ang ipost mo, o kahit litrato ng damo ay maraming magla-like dito.
  2. Maraming likes ang mga photos na maganda ang pagkakakuha.
  3. Maraming likes ang mga litrato ng binyag, kasal, debut, etc.
  4. Maraming likes ang mga picture na may kasamang artista. No photoshop used.
  5. Maraming likes ang mga photos na ‘di pangkaraniwang nakikita. Halimbawa, aso na sumasayaw o pusang lumalangoy.
  6. Kung balak mong ibahin ang profile picure mo at gusto mong madami ang maglike, dapat maganda ang shot candid man o hindi. Mas maraming likes kung magpopose o mag-iimpersonate ka. In addition, ‘wag mong gawing profile pic ang ID picture mo dahil medyo seryoso ka dun, pwera na lang kung wacky ka.
  7. Maraming likes ang mga photos na may kasamang meme at textual description. Mga posts ng 9gag ang karaniwang ginagamit dito.
  8. Malaki ang likability ng mga litratong kinunan via Instagram. (sosyal!).
  9. Kung ang litrato ay kasali sa isang contest, asahan mo na ang landslide na pagsuporta dito.

At ang panghuling tip: Maraming magla-like sa kahit anong ipost mo kung marami kang friends, dahil balewala kasi ang mga tips na nabanggit kung kaunti lang ang friends mo. At kung magpopost ka, be sure na maraming online.

Mga limitasyon:

  1. Pakiusap, ‘wag kang magpost na may kasamang mura, pambabastos, kawalang respeto sa ibang tao. Iwasan din ang pagpaparinig sa pamamagitan ng mga threatening posts.
  2. Pakiusap din, ‘wag kang magpost ng obscene photos. Hindi mo naman kailangang ipakita ang hubad mong katawan sa publiko para lang sa likes. Baka matulad ka sa isang estudyanteng babae na kamakailan ay naging laman ng balita dahil sa pagpost ng obscene photo. Ang babae ay estudyante ng isang catholic school na naudlot ang graduation dahil sa isyung ito.

    News clip courtesy of Yahoo! Philippines with reports from Sun Star.

  3. At huling pakiusap, ‘wag masyado mag-PDA. Kung hindi maiiwasan, i-personal message mo na lang ang taong mahal mo.

Lahat ng tips na ito ay pawang mga major reasons lang kung bakit likeable ang isang post o photo. Marami pang dahilan ito. Ngunit, kung dumating na sa point na nasunod mo ang lahat ng tips pero kaunti o wala kang nakuhang likes, dalawa lang ang pwedeng maging rason: it’s either walang pakialam ang FB friends mo sayo, o galit sila sa’yo sa walang kadahilanan. Kung magkaganon, ito na siguro ang tamang panahon para i-unfiriend sila. Bakit mo naman sila ife-friend kung at the very beginning ng pagsali mo sa FB ay wala kayong interactions sa isa’t-isa. Pero kung hindi mo magawang i-unfriend sya, isa lang ang rason kung bakit…..at iyon ay ang mang-stalk (haha!).

Ano man ang ipost mo sa FB at kung paano umani ng atensyon ito ay nagrereflect sa psychological and sociological aspect ng isang tao. Dito mo kasi nalalaman kung ano ang mas gusto ng isang tao at dito mo rin sila nakikilala ng lubusan. Gayunpaman, hindi mahalaga kung ilan ang naglike sa post mo. Ang mga tips na ito ay mga karaniwan lang dahilan kung bakit maraming like ang isang FB post. Tandaan na hindi naman kailangan na masunod ito. Hindi rin naman importante na umani ng maraming likes ang posts mo. Ang importante ay naisabuhay mo ang prinsipyong “write to express not to impress.” Hindi mo kailangan na ipilit ang iyong sarili para magustuhan ka. At the same time, hindi mo kailangang magbago para sa kanila. Magbago ka para sa sarili mo. ‘Yun ang importante.

DISCLAIMER: This blog post does not intend to hurt nor degrade somebody. Readers discretion is advised.

About these ads

8 responses to “Mga Tips para Makakuha ng Maraming Likes sa Facebook

  1. Sir Don, pa-like. Superlike. Like like.
    May gamit ang like sa mga nagnenegosyo, sa mga may ipinaparating na mensahe gaya ng mga nabanggit mo sa taas. Tama ka don bigyan ng limitasyon ang mga kung anu-anong ibabahagi sa FB o kung saan mang social networking sites, baka kasi kalaunan ay maging mitsa pa ito ng hindi kagandahang karanasan.
    :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s